TheTruthAboutLove

Psychology student.
Clown.
Photographer.
Listener.
Artist.
Musician.
Blogger.
A Friend.
Weird.

(Source: berdenggreen)

yung alam na alam mong di ka na makakapag exam next week for finals kasi ang papa mo ayaw na magtrabaho and walang ginagawa. uuwi na lang dito sa bahay uupo at matutulog na lang. tas kapag may sinabi lang ang mama mo sasabihin na lang ng papa mo na inaaway sya. FCK!

nakakainis lang no? sarap murahin. di ko na alam ano mangyayari kinabukasan samin. di ko alam kung ano gusto palabasin ng papa ko. gusto pa ata nahihirapan kami. at ayaw pa magtrabaho. sana nga di na lang sya umuuwi para di kami nai-stress ng ganto. di ko na alam kung makakapag aral pa ako or what. pero once na di ako makapag enroll next sem. magtatrabaho ako talaga. at kapag nakapag ipon bubukod na kami ng mama at ate ko. NAKAKAINIS! I HATE YOU SO MUCH!

(Source: berdenggreen)

yung feeling na hindi binalik samin ng prof namin yung edited chapter 1 and yung chapter 2 namin sa di alam na kadahilanan. siguro tinapon nya yun dahil di namin naipasa yung corrected chapter 1. haaay. di ko alam kung matatapos pa namin tong thesis na to. haaaay. ayoko sana maiwan pero wala akong magagawa. nangyayari na tong problema na to. :( T.T nakakaiyak sobra.

(Source: berdenggreen)

nakasama kita kanina. di ko inaakalang makakasama at makikita ulit kita. oo may tampo pa rin ako kaya nung sinabi mong Didi di kita pinansin at ang sinabi ko pa

hindi ko yan kilala.

almost 2 months mo akong di kinausap. walang balita. walang kamusta. pero wala. dedma. sabi ko nga ganyan ka tumuring ng kaibigan mo. parang anino, kaluluwa na pagala gala sa tabi mo. pero di ko maintindihan bakit ka ganon kanina. namiss mo ba ako o ano? di kita mabara kasi magaan loob ko sa mama mo.

pero wala na akong magawa. di ko na din naman maibabalik yung dati. kasi sinira mo na tiwala ko. di ko din alam kung babalik pa yung dating tayo na halos araw araw, minu minuto magkatext at magkachat. haist. sa totoo namimiss kita ng sobra. ewan ko kung nararamdaman mo yun sakin kaso puro sya sya sya na lang nasa isip mo at bukang bibig. di ko magawang magselos kasi parang medyo nawawala na friendship natin. di ko alam kung ilang sya na yang nasa yo. alam ko iba iba sila at iba yung ngayon kung kanino ka in a relationship.

buhay nga naman. talagang may dadating na gantong eksena sa buhay. buti nakakayanan ko at thank you kay God. tinutulungan nya ako. di ko man magawang kausapin ka pero sana magkusa ka naman na kausapin PA ako. ayoko na kasi yung ako ang nakikiramdam. nakakasawa na talaga sobra. sana ikaw naman.

wag ka masyado magtitiwala sa mga tao. hindi mo alam kung ano nasa isip nila at intensyon. :)

(Source: berdenggreen)

di ko alam kung ano mga nasa isip ng mga tao ngayon. di ba pwedeng

“single at masaya kang single kasi sa Nanay mo eh kuntento ka na”

single tas in a relationship agad. haha. away bati lang eh no. haha. kakaiba. dapat nga kapag nakipagbreak ka na di mo na binabalikan kasi iniwan ka na eh. o di ka na pinapansin. pero mga tao talaga mas gusto minamadali ang lahat tas magsisisi na lang kapag di maganda resulta. mas ok na nga ang di iniisip ang love at bigla na lang dumadating.

ang LOVE talaga parang SULIT.COM.PH

HANAP, USAP, DEAL!

which is panget. dapat nga ngayon mas matalino na eh sa mga past na mga nangyayari. pero mukang bale wala. mas inuuna ang pagmamadali kesa sa matagpuan ang kaligayahan. pero wala akong magagawa. buhay mo yan at ayoko makielam. gusto ko ikaw mismo ang magbago. ayoko ng galing pa sakin baka sabihan mo nanaman ako ng nangingielam. pero that’s life asahan mong ang ibang tao talagang mahahalaga sayo eh di ka pakikinggan mas pakikinggan nila puso nila at mga kaibigan nila kesa sayo.

online sya pero wala lang sakin. kahit anong status na wala na sakin matatawa na lang ako. HAHAHAHAHAHA.

(Source: berdenggreen)

kanina pang umaga may tawag ng tawag sakin sa phone. di ko masagot kasi tamad na ako mag phone at ayoko mag unli kahit may load ako. nakakainis lowbat na kakatamad pa naman mag charge. kakairita. di mo malaman bakit tawag ng tawag. pwede naman magtext mababasa ko naman yun. iistorbohin pa ako kakatawag. sana naiisip nya na nakakayamot ginagawa nya. onti na lang mapipikon na ako sa ginagawa nya sobraaaaaaaaaaaaaaaaaa! X(

(Source: berdenggreen)

sabi ko nga di mo na talaga ako papansinin eh. ang weird na til now umaasa ako na kakausapin mo pa ako. kakamustahin. or hihingi ng advice. pero hindi eh baliktad. kung ano yung inaasahan mo yun pa yung hindi mangyayari. masyado lang ata akong nasanay na lagi kang nasa tabi ko na lagi akong kinakausap at lagi akong napapangiti.

so ikaw for sure na naranasan mo na pinaranas mo sakin. ng dahil sa ka-MU mo na pinaparanas sayo yun eh ginawa mo na din sakin. kung kaya ko lang magsalita at umangal siguro alam mo nararamdaman ko. pero hindi eh. siguro ganto na din yung nangyari kasi ayoko na makigulo sayo.

di ko nga alam if ever pansinin kita or magkasalubong tayo (kasi malapit lang bahay mo sa bahay namin) eh pansinin mo ko. pero one thing is for sure. if ever imbitahin ka ng ate ko sa birthday nya or papuntahin kita dito never ever mong mararamdaman na naging kaibigan mo ako. kasi ngayon pa lang itinuturing na kitang stranger kahit masakit man para sakin. kasi sawang sawa na ako sa lahat eh. sa panloloko mo, sa di mo pagpansin at sa pagiging BIPOLAR mo. minsan kasi di na maintindihan ng tao sa paligid mo lalo na ako. yung feeling na di mo na alam kung paniniwalaan mo pa sa mga kilos at galaw nya.

ngayon hindi ko na hinahangad na pansinin mo pa ako. na kausapin. kasi pagod na ako eh. noon oo gustong gusto ko na kumusa ka. makiramdam ka. pero ngayon hinding hindi ko na ibabalik yung dating ako sayo. alam ko na ugali mo eh. sobra. sobrang nakakasuka. 

ayoko lang pagdating ng araw eh magmakaawa ka or magsisi. ayokong malalaman sayo yan. kasi maiirita lang ako baka mamura lang kita ng sobra. para ata sayo ang lahat ginagawa mong biro. pwes ngayon naman try natin sayo yung birong ibinigay mo. alam mo kung paano ako magalit at alam ko na hindi mo mababasa to kasi wala kang Tumblr. kung mabasa mo man to. MAKIRAMDAM ka. yun lang. makiramdam ka sa mga tao sa paligid mo. pwedeng masaktan kasi sila eh. at pwedeng hindi pero nagpapanggap na nasasaktan. maraming plastik kasing tao na eh. ako im pretending na hindi nasasaktan kasi ayoko na makigulo pa sayo.

ngayon nga natatawa ako pag naaalala ko na sinasabi mong INTINDIHIN ka. gustung gusto kong sabihin sayo na 

bakit ako ba iniintindi mo? eh tao sa paligid mo iniintindi mo din ba para intindihin ka? yung feelings ko para sayo naiintindihan mo ba kung bakit ayaw kong mapag isa ka at magkaron ng space?

ang sarap isalpak sa pagmumuka mo yang tanong na yan pero ngayon wala nang chance para masabi ko pa yan sayo eh. di ko na maintindihan tong nararamdaman ko para sayo. kung love pa ba to o galit. kasi gusto na kitang mamatay kasama yung gf mo ngayon. pero alam kong masama ang magsumpa sa isang tao. magagalit si Jesus.

so ngayon eto. kahit labag sa loob ko pinapatawad kita sa ginawa mo. pero wag na wag kang aasa na magiging tulad pa tayo ng dati. wag ka ding aasa na kakausapin pa kita miski ate mo. wag na wag kayong aasa pa. pagod na kasi ako eh. pagod na pagod na sa inyo. sobra na.

(Source: berdenggreen)

talagang nakakasawang paniwalaan ka. sobra. pati sa kapatid mo nagsasawa na akong paniwalaan. di ka nga nagppm na for sure sobrang saya nyo na. ang saya nyo na nung babae mo. ok lang. di naman ako yung nawalan eh. :) pero til now. sobrang thankful ako at marami kang bagay na pinaunawa sakin. na

kaya kung kausapin mo man ako ulit wag ka nang aasa pa na tulad tayo ng dati. na laging nagcocomfort sayo kapag may problema ka. ALALAHANIN mo kaw ang unang tumalikod hindi ako. ;)

(Source: berdengderde)

ano nga ba talaga ang love? yung tipong bigla na lang nararamdaman ng di mo inaasahan? o yung tipong nararamdaman mo dahil kailangan mo lang?

sakit isipin kung ang taong inaakala mong mahal ka eh hanggang salita lang ang lahat. na di mo inaasahan na bigla syang mawawala sa piling mo. na sinasabi mo sa sarili mo na

di ko na papakawalan to kahit kelan at patatagalin ko tong relationship namin.

tapos malalaman mo na lang isang araw na mahal ka lang pala nya kasi andyan yung isa. na pag nawala yung ISA eh babaliwalain ka na. at kapag nagkaron na ng IBA yung ISA dededmahin ka na kasi nasasaktan sya. di ka na papansinin. at onti onting kakalimutan ka na.

eto ba ang love? yung magpaparamdam ka ng motibo sa isang tao. magiging sweet ka. at magpapromise ka ng sandamak mak na mga salita na hindi naman magagawa? siguro para sa kanila eto nga yun. bigla ka na lang iiwan sa ere. kasi yun ang pinaramdam nung ISA nila sa kanila. ewan ko ba. ang daming ganyan sa mundo. for sure ako ikaw na bumabasa nito naramdaman na to. may mga iba pa na ayaw nilang masasaktan at gagaguhin ng mga lalaki na kung sinu sino lang dyan. pero nakakatawang isipin na sila pa ang gumagawa non. isa nanamang kalokohan. pero ang mas nakakatawang pangyayari na mahal mo sya pero gusto nyang mapag isa kasi nasasaktan sya sa ISA na yun. lesteng isa yan di pa naglaho. 

naramdaman mo na ba na naging isang malaking WALA ka sa buhay nya. naging parang basura lang na nakatambak sa daan na sinisipa sipa at for sure na wala nang dadampot pa. na sa mga bawat sipa na yun mararamdaman mo kung gaano kasakit ang pagtapon na ginawa nya. na wala syang pakielam na sayo kasi MANHID na sya sa mga nangyayari sa buhay nya. pero bakit patitigilan ang mundo kung hindi pa yun ang katapusan ng lahat? at magugulat ka isang araw bigla nyang sasabihin sayo na bukas ang puso nya para magmahal. yung tipong halos bumagsak na yung puso mo sa sakit tas naapak apakan pa. durug na durog ang puso mo. pero naisip mo na wala kang magagawa kasi di naman kayo. hindi naging kayo at lalong KAIBIGAN LANG TURING NYA SAYO. yung feeling na di mo maitago na may paki ka pa rin sa kanya at pagdating sa kanya eh walang wala.

LOVE? oo yan ang love sa kanila. mga taong hanggang salita lang at di natatapos man lang sa gawa. nakakatawang isipin na sila ang galit na galit sa mga taong hanggang salita lang pero di man lang nila naiisip na isa sila doon. isa sila sa mga taong puro salita at nagagalit kapag nagawa sa kanila yon. parang kung iisipin mo parang unfair para sayo lahat lahat ng nangyayari kasi sila walang pakielam sa nararamdaman mo kundi ang iniisip lang nila MAHAL KO YON AT NASASAKTAN AKO. at yung feeling na wala ka na masabi sa kanya kundi ang pakawalan na lang sya T.T

pero bakit mo pag aaksayahan ng panahon ang pagiging in a relationSHIT at di mo kayang mabuhay ng walang karelasyon? wag kang papasok sa relasyon para sabihin na may nagmamahal sayo at may nagkamali. dapat naiisip mo LOVE yan eh sabihin mo sa sarili mo na

pumasok ako sa relasyon na to kasi mahal ko at di ko kayang mawala kasi sobrang mahal na mahal ko at seryoso ako.


ang LOVE hindi minamadali. kusang dadating yan sa taong subok na ang karanasan at di nagmamadali sa pag ibig na yan.  

(Source: berdengderde)

muka na akong tanga. haha. bat na ako nag pm pa sayo? haha. eto nanaman si puso. nasasaktan. paano pag may nagsabi na

wala kang karapatan masaktan.

i don’t believe. nakakatawa na lang. bat mawawalan ng karapatan eh pakiramdam yun? napaisip ako dun ah. hahahaha. sa tuwing sinasabi mo sakin wala akong karapatan magselos, magtampo, umiyak at masaktan sa mga ginagawa mo. nakakatawa ka. sobraaa. nag iisip nga ako eh. nasaktan ka lang nya bakit mo sakin ipaparamdam? pinaparamdam mo lang na importante ako sayo kapag masaya ka. tas babalewalain mo kapag nasasaktan ka na nya. paano kaya if one day tinanong kita kung nasan na yung sinasabi mo na

sabi ni Abhy wag daw kitang sasaktan at lolokohin. sabi ko “OO” naman hinding hindi kita lolokohin. malapit na kitang mahalin sa lahat lahat ng ginagawa mo.

WTH. asan na yan? buti di na ako umaasa ngayon sa mga sinabi mong yan. which is kung iisipin ko ngayon eh matatawa ako. isang SALITA NG LASING yang mga sinabi mo. so nalaman mo siguro na nagpagupit ako kaya ka ganyan. TANG*** talaga. tao ka ba? o sadyang NAPAKAPLASTIK MO? sa una ka lang pala magaling eh. tulad ka rin nung babaeng iniiyakan mo at inaartehan mo. bagay nga kayo. magkaugali. isama mo na din ate mo. kung ako tatanungin mas gusto ko pa si Borgy yung batang maliit dyan sa inyo. mas matino pa sya kausap. mas nakakaintindi. kahit hindi pa nag aaral at wala pang alam sa mundo. eh ikaw? ate mo? ano? pareparehas lang. simula din nung naging ka-on ng ate ko kapatid mo. naging kaugali nyo na. di ako bitter. sadyang ayoko lang ang ginagawa nyo. sinasabi mo pa na

ayokong ginagago ang babae eh.


joke yun? eh ikaw pa lang example na dun. nanggagago ka din. binibigyan mo ng chance ang isang tao na mahalin ka pero pag dating ng dulo asan na? iniiwan mo din naman.

kung napupunit lang tong picture na to pinakaen ko na sayo to. grabe. ok pa tayo ng lagay na yan. pero asan na ngayon? sinasayang mo lang eh. sinasayang mo ang chance. alam mo at alam din ng mga tao dyan na di ako nananakit at hindi nang iiwan pero sinayang mo. sawang sawa na din ako sa kakaaerte mo. binigyan kita ng baller. pero di mo na sinusuot. sana sinasabi mo na lang na di mo na kailangan yun. at sandali mo lang gagamitin atleast alam ko. mabaet ka naman sana eh. pero ewan ko kung anong impluwensya ang ginawa ng babaeng yun sayo. o ako pa ata dahilan bakit kayo nagkaganon? sana nga ganon na lang eh. maiintindihan ko pa. ilang beses mong sinasabi na tinatamad ka. pero asan? ayaw mong magfacebook? talaga lang ah? at ayaw mong magtext? puro GM ka pa. hindi mo lang sinasabi sakin na

Dianne, hindi na kita kailangan eh kaya pwede ka nang umalis sa buhay ko. masyado mo na pinapakielaman buhay ko. hindi kita gusto. panget ka. at wala kang mga bagay na gusto ko sa babae.


sana nga ganon na lang sinasabi mo eh. mas maiintindihan ko pa. pero yang pag iwas mo. sa hindi mo pagtext sakin, hindi pag kausap, hindi nakikipagkita, hindi pag chat at pangangamusta sakin. alam na alam ko yan ang ginagawa sayo nung babaeng yon dati eh. pero bakit sakin mo pa ginagawa? oo sabi mo na kung anu ano sinasabi ko. hindi mawawala sa isip ko yun. know why? kasi hindi mo pinapaliwanag sakin ng mabuti. kung kaibigan mo talaga ako at pinagkakatiwalaan mo at tinatawag mong BESTBUDS mo hindi mo gagawin sakin to.

ako seryoso akong kaibigan at hindi ako nanggagago. maraming may alam nyan. pag galit ako talagang galit ako. pero ako na nga ang galit ako pa nagmamakaawa sayo. kakaiba. yung iba pinagtatawanan na lang nila ginagawa ko. takot na takot ako mawalan ng kaibigan. alam na alam mo yan at ilang beses ko na yan sinasabi sayo. pero wala eh. ngayon inaantay ko na lang na itetext mo ko. na biglang magmimilagro. kung hindi ok lang. di ka naman kawalan eh. ngayon lang ako nagkakaroon ng tapang ng loob.

sa ngayon di ko na alam pa sasabihin ko pagnagkita tayo. pero alam ko namang hindi na tayo magkikita pa eh. kasi ayaw mo. yun nababasa ko sayo. sa ikinikilos mo pa lang pero kahit ganto na nangyari. thankyou pa rin at nakilala kita. marami akong natutunan sana ikaw din meron.

“Wag magpakatanga at wag maghabol sa taong gusto mo mamaya lumaki pa ulo bandang huli ikaw din ang kawawa”

wala na akong magagawa kung galit ka man ngayon sa mga sinabi ko last Monday. o naiinis. kahit di mo na ako pansinin at itapon mo man lahat ng sulat ko at binigay. THANKS. na-appreciate ko ng sobra. :)

NOTE: ngayon lang ako nag post ng picture mo dito. after nito ayoko na. nakakasawa din pala. hahahahaha.